Monday, April 18, 2016

Photography Beginner (Ang Pagsisimula)

Sa mundo ng mga taong mahilig o nahihilig sa visual arts ay hindi mo maaaring ialis ang potograpiya (photography) at ang katotohanan ay halos lahat ng mga Pilipino ay mahilig sa litrato,selfie dito-selfie doon,hindi gaya noong unang panahon na ang photography ay para lamang sa mga Maharlika o mayayamang tao.At nagpapasalamat ako ng marami na isa ako sa mga ipinanganak sa panahong ito na laganap na ang tinatawag na "digital photography".

Sa dami ng mga pagpapaliwanag sa internet tungkol sa photography hindi ko na kailangan pang ipaliwanag pa ito.Pero sa mga nagsisimula pa lang sa larangan ay maaari mong sundan ang mga nais kong ipaglingkod sa 'yo at sa iba pang mga tao.

Una,bakit ka bumili o nagbabalak bumili ng sarili mong unang camera? Dahil ba sa......

1) Nais mo lang ma-preserve ang mga ala-ala sa buhay mo.
      -para sa akin ito talaga ang dapat na maging numero unong dahilan,dahil ang nakaraan,sa larawan
        at videos mo na lang makikitang muli at mababalikan.
2) Kinahihiligan mo talaga ang photography.
      -magandang senyales para sa isang baguhan sa photography,pero tandaan mo ang pagkahumaling
        ay nauuwi rin minsan sa pagkasawa.
3) Nais mong gawing negosyo ang photography.
      -huwag kang tataya sa isang negosyong wala kang kaalam-alam,makabubuting gawin mo muna
       itong libangan,pagsanayan at puhunanan ng mga kaalaman.
4) Nakikiuso at gusto lang magkaroon ng sariling camera.
      -sayang lang ang ipambibili mo ng camera,itabi mo na lang sa banko ang iyong pera.

Sa lahat ng pagdedesisyon sa buhay.Kinabukasan ang nakasalalay.

"Pareng Nolard gusto ko talaga matuto ng photography".

Isa lang ang masasabi ko diyan kaibigan."Read and execute",there is only one great teacher and that is EXPERIENCE.Kung makakaya mo na kumuha ng mga photography workshops ay mas makabubuti sa paglusong mo sa photography.Isang payo lang kaibigan,sa isang legitimate o known school of photography ka lamang kukuha ng iyong mga training,huwag ka mag-aaksaya ng pera sa mga professional na mapagsamantala.Marami sila,lalo na sa mga social media sites gaya ng Facebook.Maging matalino,mapanuri at masiyasat.

Ngayon,nakabili ka na ng sarili mong camera,DSLR pa.Narito ang mga dapat mong gawin.

1.BASAHIN ANG GUIDE BOOKS AT MANUAL NG CAMERA ng ito ay 'yong bilihin,bago mo
    ito  gamitin,huwag kang padadala sa excitement.
   -Nasa huli ang pagsisisi - "kung nabasa ko lang yun sana hindi nasira ang aking camera"

2.MAKIPAG-KAIBIGAN KA SA MGA TAONG ANG HILIG AY HILIG MO RIN
   -"Birds of same feather flocks together",marami kang matutununan sa kanila at sikapin mong may
     matutunan din naman sila sa 'yo.Pero,ito ang masaklap na katotohanan; kayo-kayo rin ang
     magtataguan ng mga nalalaman at natutunan.Dahil sa industriya ng potograpiya kayo-kayo ring
     magkakasama ang maglalaban laban.

3.Kung nakabili ka ng mamahaling camera,BUMILI KA RIN NG PANLINIS SA CAMERA
   -Sa lumilipas na panahon na natututo ka,daragdagan mo rin ang 'yong mga gears,nariyan
    na bibili ka ng tripod,bagong lente,mga filters,waterproof camera bag,flash at marami pang iba.
    Walang silbi ang mga binili mong karagdagang gamit kung ang mismong camera mo ay hindi mo
    inaalagaan,darating din ang panahon na gusto mo ng palitan ng bago o i-upgrade ang 'yong camera
    at ibebenta mo ito sa iba.Huwag mong hayaan na baratin ng mga mamimili ang iyong ginamit at
    ibinebentang camera ng dahil lang sa hindi mo ito inalagaan.

4.IWASAN ANG MAKIPAGTALO AT MAKIPAG-GALINGAN
   -Habang natututo ka sa photography,huwag mo ipalagay sa sarili mo na isa ka ng mahusay na
    photographer.Ang photography ay walang katapusang pagtuklas,at nababahagi sa iba't ibang
    sektor,nariyan ang landscape photography,portraiture,street photography,wildlife photography,
    night photography at marami pang iba.Iba rin ang photojournalism na tinatawag kaysa mismong
    photography.Imbis na mapahiya sa pakikipagtalo at pakikipag-galingan,magtanong ka na lang
    sa lalo mo pang ikatututo.Ang mga photographer ay nahahati sa tatlo,1.Beginner 2.Amateur at
    ang pangatlo'y mga Professional.Alalahanin mo kung nasaan ka,subalit kapag narating mo na ang
    estado ng pagiging Professional mas maigi na ipalagay mo sa sarili mo na isa ka pa ring Beginner.
    May mga photography beginner ang lilitaw na mas magaling pa kaysa sa 'yo.Kaya huwag kang
    mayabang.

5.HUWAG KANG UMASA na ang pangit mong kuha ay magiging maganda rin kapag inedit o
    pinost process mo na sa mga computer editing softwares.
   -Bago ka mag post-processing,pag-aralan mo munang mag-shoot ng magandang kuha.Aralin mo
    na kumawala sa Auto Mode ng iyong camera at matutong mag-shoot ng Manual.Sa Auto Mode
    ay camera mo ang gumagawa ng litrato samantalang sa Manual mode ay ikaw ang gumagawa ng
    iyong litrato.Ang akala ng mga nagsisimula o basta lang kumukuha ay gaganda rin ang kanilang
    kuhang larawan kapag 'yon ay kanila ng inedit o pinost-process.Mag praktis ng mag praktis,
    magbasa ng magbasa,huwag mahiyang magtanong.

6.GAWIN MO ANG PHOTOGRAPHY NA KALIGAYAHAN MO SA BUHAY
   -Ito ang pinakaimportante sa lahat,huwag mong i-please ang mga tao ng mga shots mo.
     I-please mo ang sarili mo ng mga shots mo.dahil kung hindi ka masaya at sumasaya sa ginagawa
     mo,'yan na ang puntong magsasawa ka na at titigil.Para saan pa ang sinimulan mo at para saan
     pa ang mga binili mong gamit? Hindi ba't nag-aksaya ka lang ng panahon at salapi?




     "Sinimulan ko na 'to pareng Nolard,itutuloy ko 'to"

Eh di WOW!,tara kunin ang camera at gumawa tayo ng mga magagandang ala-ala.Pero tandaan mo
kaibigan ko,kapag nag-quit ka o tumigil sa photography.Huwag mo na babasahin mga susunod na blog ko ha! :)


                                                           HOOOUUHHHHMMMMM!!!



No comments:

Post a Comment